INTERNET NG BUHAY KO Learn it Share it!

 


 

The internet could be a very positive step towards education, organisation and participation in a meaningful society.     Noam Chomsky

 

Noon kapag nasa internet ka o sa online ka, nagbababad ka sa fb, Instagram at youtube ang tingin sa iyo ay isang adik dahil nga hindi ka na makausap at hindi na nila alam kung ano ang napuulot mo at epekto  nito sa buhay mo.

 

Ngunit ngayon isa nang pangangailangan ang internet. Kapag walang internet paano na ang pa-aaral ng mga kabataan? Paano na ang hanapbuhay natin? Paano na ang negosyo? Sino ang malalapitan?

 

Talagang bahagi na ng ating buhay ang internet. Ito na ang mabisang paraan natin upang makipag-ugnayan at makisalamuha.

 

Kaya nga bukod sa pagsusulat sa dyaryo sinubukan ko ang mag-upload ng videos sa youtube. Nakita kong milyon milyon ng mahilig manood ng videos. Isa itong paraan upang maipahayag ko ang aking saloobin para sa mga kabataan.

 

Ang pinakasikat na YouTubers ay mula sa mga online game komentarista, makeup artist, at vlogger.

 

Ang mga sikat na channel sa YouTube ay mula sa mga independyenteng personalidad na nagsimula sa platform ng pagbabahagi ng videos.

 

Ang mga kilalang pangalan na tulad ng PewDiePie, Shane Dawson, at Smosh ay nag-rack ng daan-daang libong mgasubscribers sa mga taon sa pamamagitan ng pag-import ng mga pelikula sa YouTube at bumubuo ng tila pribadong relasyon sa kanilang mga mahilig.

 

Mula sa mga komedyante hanggang sa mga manlalaro hanggang sa mga vlogger ng isang malawak na iba't-ibang pagbabahagi ng videos ay naging mainam na paraan  upang mabuo at  ang kanilang tatak mula sa higit sa isang video digicam at isang matatag na koneksyon sa net. (Google)

 

Ang maganda sa youtube may sarili akong channel, hindi nakakalat lang ang vidoes ko kaysa sa ibang social media platform. Nakashare man siya nananili sa aking channel ang mga uploaded videos ko. Ang aking channel ay para na ring isang bahay, bahay ng videos ko.

 

Marami ang nanonood ng videos para ma-entertain lalo na ngayong panahon ng pandemya. Maraming oras natayo ay nasa loob ng bahay bawal ang lumabas at limitado lang ang ating mga pwedeng  gawin. Kaya ang iba ay nanood na lang videos para malibang at maging masaya sa buong araw.

 

Marami ang nanonod ng videos para matuto o makadiskubre ng mga bagay na hindi pa pamilyar o yung mga gusto atin at hilig.

 

Nakatutulong ang videos uoang tayo ay maaupdate sa mga balita at mga bagong tuklas o mga bagay na pwede nating bilhin.

 

Kaya marami na ring online business.

 

Isang hamon ito lalo na sa mga kabataan ang matutong gumamit ng internet sa kapakipakinabang na paraan. Isang paraan upang maipahayag ang iyong sarili sa mas malawak na kumonidad sa gobal community.

 

Isang paraan para magkaroon ng mas maraming pagkakataon upang maging maayos ang antas ng ating pamumuhay dahil sa mga online learning and job opportunities. Kahit hindi ka nakatapos ng pag-aaral pwede kang kumite online.

 

Mahalagang maging bahagi ng na ating diwa o kaisipan na hindi masama ag internet kundi ito ay isa na sa ating kailangan sa buhay ngayon.

 

But all things should be done decently and in order…1 Corinthians 14:40

 

Para samganagnanaismagbahagingkanilangmga reflection, inspiration at insight, sundan ang aking online channel sa youtube @joseph duyan learn it share it seminars on Values, Youth Formation, Community Based Leadership Seminar and Recollection PM lang po sa fb o kaya txt or call sa aking cp number 09237303388 o email n’yo lang ako sa josephduyan16@gmail.com

 

Maraming Salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay at sumusuporta sa BAGONG KABATAAN NGAYON… God bless po! Always search within.


PUBLISHED PSN PILIPINO STAR NGAYON

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Komento