ONLINE TEACHING Gawing Kaayaaya…



“eLearning doesn't just "happen"! It requires careful planning and implementation.” – Anonymous

 

Walang boring na subject meron boring na teacher, tama ba?

Lalo na ngayong online classes na.

 

Bakit nakakabored ang online class?

Eh sino nga ba ang hindi mabobored kung maghapon ang klase mo?

 

Totoo na walang boring na subject dahil kailangan natin ang mga ito para tayo ay matuto at mahubog sa ating kursong gustong makamit. Ang pag-aaral ay parang nilutong pagkain, kailangan ng mahusay na chef para maging kaayaaya at masarap ang lasa nito.

 

Hindi rin naman madali ang mag-adjust sa isang guro na nakasanayan ang trasisyonal na paraan ng pagtuturo. Mabuti at mabilis ang tugon dito ng ng Deped Department of Education. Nagkaroon sila ng mga programang makatutulong sa mga guro upang maging mas epektibo ang kaniang pagtuturo.

 

Sa ilalim ng Memorandum ng Kagawaran 2020-00162, pinayuhan ang mga mag-aaral sa kindergarten na magkaroon lamang ng isang oras ng oras ng pag-screen.

 

Inirerekomenda ang mga mag-aaral ng grado na 1 hanggang 5 na gumamit ng kanilang mga gadget sa loob ng isang oras at kalahati bawat araw para sa kanilang mga aktibidad sa pag-aaral sa online.

 

Ang mga nag-aaral sa Baitang 6 hanggang 8 ay maaaring gumamit ng kanilang mga aparato nang maximum ng dalawang oras araw-araw.

 

Panghuli, ang mga mag-aaral sa Baitang 9 hanggang 12 ay iminungkahi na mag-online para sa maximum na apat na oras bawat araw. Hinimok ng DepEd ang mga estudyanteng ito na hatiin ang kanilang paggamit ng oras sa screen, dalawang oras sa umaga at dalawang oras sa hapon.

 

Ang pamahalaan ay nag-utos ng pinaghalo na istilo ng pag-aaral para sa Taunang Akademikong 2020-21 sa gitna ng pandemikong COVID-19. Ang nasabing mode ng pagkatuto ay gumagamit ng paggamit ng mga computer / tablet, radyo, at telebisyon

Tinitiyak ng Deped na ang mga guro at mag-aaral ay mayroong lahat ng kanilang kailangan upang magpatuloy sa pag-aaral. "

 

Bilang paalala at tulong sa mga guro. 

 

Napakahalaga ng subject content at approaches. Kung paano ipinapaliwanag at sa epektibong paraan ng pagtuturo ang mga pang araw-araw na aralin. Kailangan din ang Creative ideas na may halong saya upang mas maging kakaayaaya sa mga mag-aaral.

 

Maaari ring magsaliksik pa ng mga makabagong paraan ng pagtuturo o online learning methods upang bago at kakaiba ang dating nito sa kanila.

 

Kung mayroon tayong inasahan sa mga mag-aaral mas higit ang kanilang hinahanap sa atin para hindi sila mabore sa online class.

 

Isang malaking hamon ito halos matatapos na ang school year 2020-2021, kumusta naman ang proseso ng pag-aaral?

 

“We have different gifts, according to the grace given to each of us. If your gift is prophesying, then prophesy in accordance with your faith; 7 if it is serving, then serve; if it is teaching, then teach;Romans 12:6-7

 

Para samganagnanaismagbahagingkanilangmga reflection, inspiration at insight, sundan ang aking online channel sa youtube @joseph duyan LS leant it share it seminars on Values, Youth Formation, Community Based Leadership Seminar and Recollection PM lang po sa fb o kaya txt or call sa aking cp number 09199718775 o email n’yo langako sa josephduyan16@gmail.com

 

Maraming Salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay at sumusuporta sa BAGONG KABATAAN NGAYON… God bless po! Always search within.


PUBLISHED PSN PILIPINO STAR NGAYON

Mga Komento