PAANO MAKAKAPAG FOCUS SA ONLINE LEARNING?



“Instead of focusing on circumstances that you cannot change – focus strongly and powerfully on the circumstances that you can.” Joy Page

 

Talagang mahirap matuto kapag nangangapa ka pa kung ano ang mangyayari sa iyong pag-aaral online. Hindi katulad ng manonood ka lang ng mga paborito mong movies o kaya maglalaro ka lang ng mga gusto mong online games.

 

Nakasalalay ang future mo sa online class. Kaya mainam na alamin ang mga bagay na pwede nating gawin para hindi tayo mabagot sa pag-aaral sa buong maghapon nating pagbabadsa computer.

 

Hangad ko na matulungan ang mga mag-aaral o maging ang mga guro sa new normal form of learning.

 

Kaysa magwala ka at magwalan ka na nang gana sa pag-aaral. Tiyak na makaktulong ang mga ito.

 

Sundin ang nakatakdang iskedul- iwasan ang maraming online engagements kung ang oras mo ay alas siete ng umaga dapat mas maaga ka bumangon tulad ng ginagawa mo noong pumapasok ka pa sa school ninyo. Siguraduhing nakapagbreakfast ka at naihanda mo ang iyong sarili para bago ka humarap sa iyong guro at klaymets ay looking fresh at motivated kang mag-aaral.

 

I-check lagi ang study area- sanhi na pagkadelay mo sa online ay ang mga sagabal sa iyong paligid lalo na sa iyong study area sa inyong bahay. Mainam sa tuwing wala kayong pasok planuhing mabuti ang mga pwedeng gawin upang maging mas kumportable ka sa iyong pag-aarala online.

 

Update ang iyong gadgets-  Tiyaking gumagana ng maayos ang iyong mga gadgets. I check ang mic at video cam bago ka pa matulog sa gabi para sa umaga ay hindi muna ito iintindihin. Kaya ka nagka-cramming dahil sa hindi mo alam na hindi pala gumagana ang isang gamit mo sa pag-oonline class.

Ang baterya, ang connectors at ang mga maliliit na bagay na minsan nagiging sanhi ng pagiging iretabale mo. Alamin ang sira o dapat nang palitan sa iyong gadyets.

 

Mag-search pa ng tulong sa internet- ugaliing i-update ang iyong sarili sa mga bagong paraan sa internet para mas mapadali ang iyong pag-aaaral. Mainam nga ngayon hindi kana magsusulat ng marami habang nag-aaral. Pero kailangan ang magbasa pa rin ng magbasa ng libro sa online o kaya manood ng mga videos na maaaring makatulong sa iyo.

 

Huwag mahihiyang magtanong- nahihiya tayong magtanong dahil ayaw nating mabansagang tanga o bobo ng ating mga klasmeyts o na ating guro. Pero ang pagtatanong ang pinakamainam na paraan upang matutuhan natin ang mga bagay na hindi pa natin gamay o hindi natin maunawaan. Kung ayaw mong mapahiya doon ka sa tamang tao o kaibigan ka magtanong para matulungan ka ng maayos. Kung ayaw kang tulungan magtanong ka sa iba.

 

Sa totoo lang nakapakalaging hamon sa ating lahat ang kalagayan natin ngayon. Sino pa ba ang magtutulungan at sino pa ba ang dapat mag-adjust?

 

“It is during our darkest moments that we must focus to see the light.”

Aristotle Onassis

 

Kailangan nating gapiin ang ating mga pangamba at mga hadlang para tayo ay magtagumpay sa mga pagsubok na ating nararanasan.

 

Kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan.

 

Let the wise hear and increase in learning, and the one who understands obtain guidance, Proverbs 1:5

 

Para samganagnanaismagbahagingkanilangmga reflection, inspiration at insight, sundan ang aking online channel sa youtube @joseph duyan learn it share it inspirational  videos on Values, Youth Formation, Community Based Leadership Seminar and Recollection PM lang po sa fb o kaya txt or call sa aking cp number 09237303388 o email n’yo lang ako sa josephduyan16@gmail.com

 

Maraming Salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay at sumusuporta sa BAGONG KABATAAN NGAYON… God bless po! Always search within.


PUBLISHED PSN PILIPINO STAR NGAYON



 

 

 

 

 

Mga Komento