5 TIPS HABANG WALANG PASOK Bored ka na ba?

 



 

“What is the use of running when we are not on the right road?” – German Proverb

 

Quarantine o lockdown?

 

Parang pareho lang maglalagi ka lang sa loob ng bahay ninyo! ‘Yan ang nasa isip ng karamihan sa atin. At parang wala ng pwedeng magawa dahil sa tagal nang walang pasok. Halos isang buwan.

 

Mabuti at may mga pinagagawang homework ang mga guro ayon sa derektiba ng Department of Education. Paano kung tapos mo na? Paano kung napanood mo na ang mga gusto mong movies? Paano kung nabasa mon a yung mga gusto mong libro o poket book? Paano kung paulit ulit na lang ang nakapost sa online, sa fb o kaya sa Instagram at tweeter?

 

Minsan may gusto kang gawin panay utos naman sa iyo. ‘yung gusto mo pang matulog tapos ginigising ka dahil tanghali na.

 

Ayon sa isang magiting ng Heneral ng Tsina na si Sun Tzu, sa kanyang libro na Art of War…Hindi hihigit sa limang mga nota mayroon sa musika, gayon pa man ang mga kumbinasyon ng limang ito ay nagdaragdag ng higit pang mga melodies kaysa sa naririnig. Hindi hihigit sa limang pangunahing mga kulay, gayunman sa kumbinasyon ay naglilikha sila ng mas maraming mga kulay na hindi pa natagpuan. Hindi hihigit sa limang mga panlasa, gayon pa man ang mga kumbinasyon ng mga ito ay nagbubunga ng mas maraming lasa kaysa sa maaari mong matikman.

 

May limang bagay akong nais ibahagi sa iyo.

 

Una, huwag mong ubusin ang oras mo sa iisang bagay lang sa maghapon. Alam mo na. Dapat may takdang oras lang para sa internet o sa social media. Kung maghapon kang magbababad sa celpon   o computer eh hindi ka nga nacorona virus nagkasakit ka naman dahil sa radiation.  Mainam na magkaroon ng daily task. Isulat ang mga pinagagawa sa iyo ng parents mo o ng teahcers mo at ang mga gusto mong gawin para sa araw na iyon. Gawin mo lamang ang isang bagay sa takdang oras.

 

Pagsikapan  na magawa mo ang matagal mo nang pinaplanong gawin para maimprove ang sarili mo o mga skill o talento mong gustong madiskubre. Paalala kung pag-awit ang gusto mo tiyakin mong hindi ka nakakabulaho ng kapitbahay.

 

Pangalawa, huwag kang magpupuyat. Kung puyat ang isang tao malamang tulog siya sa maghapon. Malamang wala kang magagawa at sayang lang ang araw mo. delikado ang masyadong pahpupuyat kaya hindi tayo pinapasok para maging ligtas sa sakit. Madaling manghina at kapitan ng sakit ang taong puyat.

 

Pangatlo, huwag kang mangahas na gawin ang hindi nararapat, sundin lang kung ano ang dapat gawin. Ang bilin na bilin ay ang magstay lamang sa loob ng bahay. Imbes na umalis ng bahay, isa’ isahin mong ayusin ang mga kalat sa loob ng bahay ninyo na hindi mo na papansin noong busy ka pa.

 

Pang-apat, huwag kang padadala sa sitwasyon. Malamang tamarin ka dahil marami kang oras. Alalahanin mo na ikaw ang may control sa oras mo. kaya kung sasayangin mo hindi mon a ito maibabablik. Ang bawat desisyon natin ay may kahihinatnan at mayroon tayong pananagutan. May bunga itong ating aanihin.

 

Panglima, iwasan ang psg-aalala bagkus maging handa at mapamaraan.  Tandan natin minsan hinahangad natin ang long vacation para maging maayos ang ating buhay. Gawin nating makabuluhan ang panahong ito sa ating buhay. Magpasalamat tayo sa Diyos sa kabila ng mga nangyayari sa paligid natin buo ang ating pamilya nabigyan tayo ng panahong paglingkuran ang ating mga mahal sa buhay.

 

Kung tayo man ay nasa panahon ng pakikipaglaban sa pag-iwas sa sakit na corona virus, hindi pa rin nitong kayang gapiin o talunin ang espiritwal na pananalig sa Maykapal.

 

Mayroon lamang dalawang puwersa sa mundo, ang tabak at ang espiritu. Sa katagalan ay ang tabak ay palaging nasakop ng espiritu… ang sabi naman ni Napoleon Bonaparte, isang magiting na mandirigma noon ika labing pitong siglo.

 

Ang kahulugan ng buhay ay ang gawing makahulugan ang ating buhay.

 

“For while bodily training is of some value, godliness is of value in every way, as it holds promise for the present life and also for the life to come.” 1 Timothy 4:8

 

Maraming  Salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay at sumusuporta sa BAGONG KABATAAN NGAYON… God bless po! Always search within.


PUBLISHED PSN PILIPINO STAR NGAYON

Mga Komento