HUWAG KANG MAGAGALIT!




There are two things a person should never be angry at, what they can help, and what they cannot.Plato

Madali ka bang magalit? Minsan may masabi lang sa atin na hindi natin gusto bigla na lang tayong naggalit. Ang nakatutuwa kahit kakagaling mo lang sa simbahan may pagkakataon tayong nasusubukan ang ating pasyensiya.

Lalo na ngayong panahon ng pandemic mabilis ang mga tao na magalit. Madaling mairita at mainitin ang ulo. Isang paalala na pwede namang maiwasan pagiging magagalitin kung susundin natin ang mga ito.

Huwag kang pabigla-bigla. Ang galit ay emosyon kaya kung pabigla bigla tayo mabilis tayong madadala sa ating galit. Hinay-hinay lang… kalma lang … relax ka lang … alamin muna natin ang buong sitwasyon bago tayo magalit.  Hindi pa natin alam ang pangyayari bigla na lang tayong nagaglit. Hindi maganda iyon!

Huwag kang tamang duda o tamang hinala. Mas mabigat ang sitwasyong ito dahil mayroon na tayong iniisip sa tao bago pa mayroon siyang gawin. Kahit Mabuti ang kanyang gagawin ay nawawalan ng saysay dahil sa ating kawalan ng tiwala.  Tama naman huwag basta basta naniniwala pero tama rin naman na hayaan natin munang alamin ang buong katotohanan bago pa tayo masalita.

Huwag ipilit ang hindi pwede. Isip bata o para kang bata kapag pinipilit mo ang iyong gusto. Kahit may edad na ang tao may pagkakaataong pinipilit natin kung ano ang alam natin makabubuti sa atin at kung ano ang tama para sa atin. Bakit hindi muna tayo makinig at sumunod kung ano ang mas mainam, mas makabubuti para sa lahat. Huwag matigas ang ulo at ipilit ang gusto!

Huwag magalit sa mayabang. Sayang lang ang galit mo dahil hindi makikinig sa iyo ang taong iyon. Mas mainam kung iiwasan na lang natin ang ganyang uri ng tao. Kung makikipagtalo ka sa isang mayabang malamang mag-aayaw lang kayo o mauwi kayo sa gulo.

Huwag kang pikon. May mga taong mabilid magalit at mabilis mapikon. Kung inaasar tayo ng iba mabuting lumayo na lang tayo. Madalas tumitigil ang mga taong mabuyo kapag nagagalit ka na.  huwag mong pansinin o kaya isumbong mo sa tamang tao para tumigil siya sa kakaasar sa iyo.  Hindi masamang magsumbong basta tama at sa tamang tao.

Totoong mahirap maiwasan ang galit. 

Ito ay kasama sa ating pagkatao. Walang tao ang hindi nagalit maging si Hesu-Kristo ay nagpakita rin ng galit.

Ang galit ay isa sa pinakamahirap na damdamin na maramdaman at pamahalaan. Maaari ka nitong mahawakan at iparamdam sa iyo na nawalan ka ng kontrol. Kadalasan ay humahantong ito sa iba pang mga emosyon, tulad ng paninibugho, kapaitan, kasakiman, pagkamakasarili. Ang galit ay tulad ng dulo ng isang malaking bato ng yelo. Ito ang nakikita ng karamihan sa mga tao sa ibabaw, ngunit kadalasan mayroong higit na damdamin na namamalagi sa ilalim nito. Maaari itong maging sanhi ng maraming pinsala kapag hindi pinamamahalaang maayos. Ayon sa mga pag-aaral Medical News Today.

Hindi naman masama magalit ang sabi ni Aristole kung tayo ay nagagalit sa tamang tao sa tamang oras at dahilan. Ang tunay na nakasasama sa galit ay ang ating ginagawa kapag tayo ay nagagalit. Ang pagsigaw ang pagkutya ang pagbibikas ng mga salitang hindi maganda at ang pananakit sa diginidad at pisikal.

Kung hindi na nating napipigilan ang magalit may mga Psychologist o Doctor na pwedeng makatulong sa atin. Bago pa lumala ang ating pagiging magagalitin subukan mong sundin ang mga payo kong ito.

Kaya bago pa tayong tuluyang magalit pag-isipan muna natin ang tunay na dahilan kung bakit tayo nagagalit. Relax lang!

The Lord is merciful and gracious, slow to anger and abounding in steadfast love. Psalm 103:8

Para sa mga nagnanais magbahagi ng kanilang mga reflection, inspiration at insight, sa mga naghahanagad na magkaroon ng seminars on Values Formation Youth Leadership Seminar and Recollection online magtungo po kayo sa www.youtube.com/Kuya Joseph LS. PM lang po sa fb o kaya txt or call sa aking cp number 09199718775 o email n’yo lang ako sa josephduyan16@gmail.com

 

Maraming  Salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay at sumusuporta sa BAGONG KABATAAN NGAYON… God bless po! Always search within.


PUBLISHED PSN PILIPINO STAR NGAYON

 

Mga Komento