SA MUNDO NG MGA HANGAL



If a person can review old knowledge so as to cultivate new realization –such a person can be qualified as a teacher. Confucius

May isang bayan ng mga hangal. Sila ay takot lumabas ng bahay dahil sa isang malaking pakwan. Wala silang magawa kundi magtago at baka mapahamak sila kapag lumapit dito. Matagal nang panahon wala ni isa man ang maglakas loob na lumabas ng bahay at gumawa ng paraan.

Hanggang may isang guro na galing sa ibang bayan ang nagtungo roon at sila ay tinulungan. Kinuha ng guro ang kanyang tabak at tinaga ang malaking pakwan. Nasaksihan ito ng mga taga bayan. "Lumabas na kayo sa inyong mga bahay wala kayong dapat katakutan. Isa lamang itong malaking pakwan. Halikayo! Pagsaluhan natin ang pakwan na ito!" sigaw ng guro. Nagsilabasan ang mga hangal sa kani-kanilang bahay.

Ngunit dahil sila ay mga hangal lalo silang natakot. 

"Kung nakuha niyang tagain ang malaking pakwan maaari rin niyang gawin ito sa atin!" sigaw ng isang matandang hangal. Kaya mabilis silang nagtakbuhan papasok sa kani-kanilang bahay.

Bigo ang gurong ito sa paghimok sa kanila.

Ngunit may isang guro na naman ang nagtangkang tulungan sila. Siya ay naglagi nang matagal sa bayang ito. Binisita niya ang bawat bahay. Pinakinggan niya ang lahat ng kwento tungkol sa malaking pakwan ng ito. Mayroon silang dahilan kung bakit sila takot na takot sa malaking pakwan. Ito na lamang ang naiisang malaking pakwan simula ng sumpain ang kanilang bayan. Sila ay lalamunin ng nito kung ayaw nilang ibigay ang lahat nilang ari-arian sa isang higanteng mangbabarang.

Nakuha ng guro ang kalooban ng mga hangal. Kaya siya ay kanilang pinagkatiwaan. Binago niya ang pananaw nila sa malaking pakwan. Hindi ito kumakain ng mga hangal. Ito ay isang pagkain at pwedeng pagyamanin. Simula noon nawala ng kanilang takot at nagsimula silang mamulat sa tamang kaalaman. 

Nagpasalamat sila sa gurong ito at simula noong tinawag na itong Bayan ng Karunugan.

Mahirap ang maging isang guro dahil sa iyo nakasalalay ang pagkatuto at kamulatan ng iyong mga mag-aaral. Tulad ng sa kwento ng mga hangal. Tulad ng naunang guro, takot ang umiral at naiwan sa kanila sa halip na matuto. Kadalasan ganito ang nangyayari sa mga mag-aaral ng kaya lamang nag-aaral dahil natatakot.

Mahalaga ang maunawaan nila ng iyong tinuturo hindi lamang para matapos ang lesson. Marami sa mga mag-aaral ang kapos. Walang pera, walang tahanan, wala ang mga magulang at ang pinaka mahirap ang walang makain.

"The courage to do the right thing in teaching is important, but what is more important is the courage to strive and persevere when things go wrong."Shirley Yuen

REWARD – marami sa mag-aaral ay nagsisikap mag-aral dahil sa mataas na marka. Tama naman ngunit hindi ito ang tunay nasukatan ng karunungan. Aanhin mo ang mataas na grade ngunit magaspang naman ang ugali mo? 

HONOR- tama rin naman na mapabilang ka sa grupo ng mga elite o ng mga matalino. Ngunit ang paalala ko kumusta naman ang iyong pakikitungo? 

CHARACTER – ang pinaka mahalagang mahubog sa tao. Marami ang naghahangad ng magandang kalagayan sa lipunan. Marami ang naghahangad ng kayamanan. Ngunit ang mga ito ay mga bunga lamang. Ang ugat nito ay ang magandang pag-uugali, magandang pakikitungo. Walang naging mahusay pinuno na ayaw sundin ng kanyang sinasakupan. Walang naging tunay na mayaman na hindi nakisalamuha ng maayos kapwa. Walang naging pinaka dakila ang hindi marunong gumalang sa desisyon at karapatan ng iba.

Tinanong ng isang hangal ang guro... "bakit ang tiyaga mong magturo?"

"Noong una ang gusto ko ay magbago kayo... pero ngayon nagtuturo pa rin ako para tularan ninyo ako" tugon ng guro.

"To know is not as good as to love; to love is not as good as to enjoy"...Analects 6.20 ...Enjoy teaching!

Para sa mga nagnanais magbahagi ng kanilang mga reflection, inspiration at insight, sa mga naghahanagad na magkaroon ng seminars on Values Formation Youth Leadership Seminar and Recollection online magtungo po kayo sa www.youtube.com/Kuya Joseph LS. PM lang po sa fb o kaya txt or call sa aking cp number 09199718775 o email n’yo lang ako sa josephduyan16@gmail.com

Maraming  Salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay at sumusuporta sa BAGONG KABATAAN NGAYON… God bless po! Always search within.

 

PUBLISHED PSN PILIPINO STAR NGAYON

 

 


Mga Komento