MGA BABALA… HUWAG IBALEWALA



Mas mainam pa rin ang makinig kaysa ang magsawalang bahala.

 

You have so much power to bring awareness, prevention and change. Ashley Judd

 

Parang balewala na ang mga babala sa atin na huwag lumabas ng bahay at mag-ingat. May mga ayaw pa ngang pabakuna. Bakit kaya?

 

Dahil ba sa wala naman nagyayaring masama sa atin at hindi pa tayo na aapektuhan ng sakit na Covid kaya malakas pa ang loob natin?

 

Sa loob ng halos dalawang taon, sinu-sino sa mga kakilala mo ang wala na ngayon sa mundong ito dahil sa covid. Nakapabilis nagkasakit ng tao ngayon at napakabilis din silang lumisan sa ating piling.

 

Mas mainam pa rin ang makinig kaysa ang magsawalang bahala. Sana’y maunawaan natin ito bago pa mahuli ang lahat.

 

Pinagiingat tayo sa ating kalusugan dahil ito ang ating pinakamahalagang kayamanan. Ang ating buhay. Pagkaingatan natin ito dahil ito ay minsan lang.

 

Hindi totoo ang kwnetong ang pinakamatigas ang ulo ay ang mga Pilipino. Patunayan natin na marunong tayong sumunod at ‘yan ang totoo!

 

Lalo na ngayon buong pamilya na ang apektado ng bagong variant. Dapat doble ang ating pag-iingat.

 

Kapag bawal bawa! Alam na natin yan.

 

Ang nakalulungkot marami pa rin ang hindi marunong sumunod.  Na para bang hindi sila makakahawa kapag may sakit na sila. Nadadamay tuloy ang iba dahil sa kanila.

 

Huwag na tayong mangatwiran kung wala naman tayong alam na solusyon para ito maiwasan. Gawin na lamang natin ang nararapat upang hindi tayo madapuan ng malubhang karamdaman.

 

Kung talagang gusto nating mapawi na ang pandemik na ito, magtulungan tayo!

 

Isang hamon ito para sa mga kabataan. Bata pa kayo at marami pang magagandang bagay ang maaring mangyari sa inyo.

 

Ang pagbabago sa mundong ito ay nakasalalay sa inyo.

Makatutulong kung gagawin natin ang mga bagay na ito.

 

Pagbibigay pansin sa mga paalala sa atin! Kapag sinabing huwag lumabas huwag lalabas. Kung sakaling pwede nang limabas magsuot ang face mask at face shield. Maghugas ng kamay.

 

Pagpipigil sa sarili. Alalahanin natin ang mga taong nasa paligid natin lalo na ang mga mahal natin sa buhay.

 

Pagiging alerto sa mga nangyayari sa paligid. Manood at makinig sa mga balita at updates araw-araw.

 

Pagtulong at Pagbabahagi. Sa pamamagitan ng mga munti nating kakayahan kaya nating tumulong kahit hindi tayo makalabas ng bahay sa pamamagitan ng social media.

 

Panalingin at tiwala sa Maykapal. Huwag tayong panghinaan ng loob bagkus maniwala tayong walang imposible sa Diyos.

 

Paalala ito hindi lang sa mga kabataan kundi sa buong pamilya. Huwag tayong maging pabaya!

 

 

Though I walk in the midst of trouble, you preserve my life; you stretch out your hand against the wrath of my enemies, and your right hand delivers me.Psalm 138:7

                                             

Please subscribe to my youtube channel. Kuy@Joseph Goodlife Inspiration Channel.

 

Para sa mga nagnanais magbahagi ng kanilang mga reflection, inspiration at insight, sa mga naghahanagad na magkaroon ng online seminars on Values Formation Youth Leadership Seminar and Recollection sa inyong school, church ministry and organization PM lang po sa fb o kaya txt or call sa aking cp number 09199718775 o email n’yo lang ako sa josephduyan16@gmail.com

 

Maraming  Salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay at sumusuporta sa BAGONG KABATAAN NGAYON… God bless po! Always search within.



Published by: PSN August 11, 2021

 

 

 

 

 


 

Mga Komento